Mga Post

Mga Batang Maghahagdao

Mga Batang Maghahagdao Original na panulat ni G. Cy Soriano Maghagadao ang tawag sa pamumulot ng mga tira-tirang palay na na-iiwan ng makina o ng harvester. Tila pakikipag patintero naman ito sa pagitan ng mga paslit at ng mga ibon na parehong nagugutom. Habang namumulot ang mga batang maghahagdao ay kasabay rin nitong nakikipag unahan ang mga ibon sa himpapawid. Tinitilok ang bawat tangkay na may natitirang butil upang sa lamesa ay may maihahain na puting kanin. Anila, kung papalarin pa nga daw na marami-rami ang makokolektang palay ay ibibilad nila ito sa araw at ipagigiling sa mga suki nilang pagilingan; kung suswertehin na nasa mabuting kondisyon ang nagmamay-ari ay makukuha nilang libre ang bigas. Dagdag pa nila, hindi ito maituturing na pagnanakaw bagkus ito raw ay isang pagpapahalaga sa bawat butil na biyaya —ang hindi pag-aaksaya. Kung sakali raw na mapupuno nila ang isang sako, ang ibang parte ay pang kunsumo ng kanilang pamilya sa hapag kainan at ang kalahating
Mga kamakailang post